WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

IRONMAN 70.3 PH mas bibilis

Sa binagong ruta na paglalabanan para sa mga pangunahing karangalan, nasisilip ang mabilis at gitgitang sagupaan sa IRONMAN 70.3 Philippines na aarangkada sa Agosto 7 sa Mactan, Cebu.

May 12 titulo ang mga nakataya sa iba’t ibang age-group categories mula 18-24 hanggang 75-and-above kasama ang girian sa overall championship na mahigpitan din, sa new race routes ng 1.9 km swim, 90km bike, 21k run.

“The new race central and swim course at The Mactan Newtown make it an exciting racecourse. From Lapu-Lapu City to the municipality of Cordova, to the newly-opened CCLEX bridge to Cebu, the bike will be fast, exhausting and exhilarating course while the run course has been re-configured to a fast and more exciting route,” litanya Huwebes ni race director Neville Manaois.

Pagbabalik ito ng IRONMAN 70.3 sa country’s top triathlon hub makaraan ang dalawang taong pagkatigil sa COVID-19, na nagpadoble ng kasabikan sa halos may 2,000 kalahok mula sa 40 mga bansa, lahat gigil nang masubukan sa labanan ng bilis, lakas at patibayan sa pakarera ng Megaworld at ng Mactan Newtown.

Mag-uumpisa at matatapos ito sa Mactan Newtown sa Lapu-Lapu City.

‘Di masyadong inaasahang mabasag ang oras, pero tinatayang maaring mapantayan ang 4:01:22 ni Aussie ace Tim Reed sa pang-apat niyang IM title sa Cebu noong 2019 sa harapan ng bagong bihis at kondisyon ng bagong ruta.

Kasagsagan ang registration hanggang race week. Sa mga detalye pa, bisitahin lang ang www.ironman.com/philippines70.3 na may official hashtags: #IM703Philippines at #IMasia, social media (Facebook) Megaworld IM703 AIA Vitality at im703ph (Instagram).

Magpapaanghang ang relay (male & female), relay mixed at CEO trophy individual competition sa event na mga papadrinuhan ng Athletic Brewing Co., Hyperice, Santini, Wahoo, Fulgaz, City of Lapu-Lapu, CCLEX, Municipality of Cordova (Cebu) at City of Cebu.

Ang iba pang mga sumusuporta ay ang Lalamove, Alaska, Lightwater, Prudential Guarantee, RLC Residences, Regent, Rudy Project, Sante, Teresa Marble Corp., Cignal, Philippine Star at Sportograf.com.

Ang swim leg ay single loop clockwise course paalis at pabalik sa Mactan beach,habang ang bike part ay 3-loop course umpisa sa Mactan Newtown na daraan sa ML Quezon National Highway-Lapu-Lapu City-Municipality of Cordova-palabas ng CCLEX bridge Cebu City at balik-Mactan Newtown.

Ang closing run ay 3-loop course mula Mactan Newtown pa-Punta Engano Road sa Amisa, Magellan cross sa third turnaround, kanan sa ML Quezon National Highway at pabalik sa finish line sa Mactan Newtown Blvd. (Ramil Cruz)