WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Takip plaka may 5K multa – LTO

Ilegal at may multang aabot sa P5,000 ang mga sasakyang mahuhuling may takip ang plaka upang hindi mahuli sa no-contact apprehension policy, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Babala ito ng LTO matapos ipagbigay-alam sa kanila ni Bong Nebrija ng Metropolitan Manila Development Authority, na may insidente na may nakalagay na ‘2 Joints’ o kaya’y brand ng beer sa plaka ng ilang motorista.

“The LTO will apprehend ‘yung mga ganitong sasakyan na meron ganung set-up sa plaka nila. Always display ‘yung plate ninyo kahit kayo ay may commemorative plate. Worse kapag ito ay tinakpan mo, dapat makita pa rin ang regular plate,” pahayag ni LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz.

“Kung wala namang plaka ang mga motor ay dapat nakikita ang conduction sticker ng mga ito,” dugtong niya.
Giit naman ni Nebrija, hindi kailangan na katakutan ang no-contact apprehension policy kung sumusunod sa batas. (Issa Santiago)