WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Kalinisan vs dengue kampanya ni Malabon Mayor Jeannie

Pinangunahan ni City, Mayor Jeannie N. Sandoval ang sabayang paglilinis sa buong Malabon upang pigilan ang paglaganap ng sakit na dengue sa lungsod, nitong Sabado, Hulyo 23 ng umaga.

Nilahukan ng libong residente ng lungsod, pinangunahan ng mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan ang city-wide clean-up drive sa 21 barangay nito, sa direksyon at pangunguna ng alkalde.

Upang harapin ang kasalukuyang napag-alamang 14.1% bilis ng atake ng sakit na dengue, minabuti ni Mayor Sandoval na ilunsad ang lingguhang sabayang paglilinis sa 21 barangay at ibinuwelo naman ng mga kawani ng lungsod ang pagtulong, bilang tugon sa panawagan ng kauna-unahang babaeng alkalde ng lungsod.

Masigla sinalubong ng mga boluntaryong residente ang aktibidad, at ikinatuwa ang pagmamalasakit ni Mayor Sandoval sa kanilang kalagayan

Bagaman ang panawagan ay para sa lahat, tiniyak naman ng alkalde na ang mga kawani ng bawat departamento at tanggapan ng lungsod, kabilang ang ilang sangay ng ahensyang nasyunal ay makikilahok upang makitaan ng pagpapahalaga sa kalinisan at pagiging mabuting ehemplo ng bawat mamamayan ng Malabon, sa pamamagitan ng naturang aktibidad.