‘Di na po ako magpapaligoy-ligoy pa, iko-congratulate ko po ang Magic 10 winners ng 2nd Online Elementary Division Schools Press Conference via Google Meet noong Hunyo 18.

Ginanap noong Hulyo 13 ng hapon via online rin ang Elementary DSPC Awarding Ceremony.

Sila ay sina 10. Aldrin Quinto ng Francisco Balagtas Elementary School, 9. Monico Kristian Beltran ng Graciano Lopez Jaena Elementary School, 8. Laurence Jhay S. Nosora ng Jose Corazon De Jesus Elementary School;

7. Jared A. Agosto ng Francisco Benitez Elementary School, 6. Tyler Raine Z. Panlilio ng Pio Del Elementary School, 5. Shane Austin N. Vicente ng Magat Salamat Elementary School, 4. Jhea Emmanuelle B. Evangelista ng Fernando Maria Guerrero Elementary School;

3. Frank Zeijan B. Uy ng Alejandro Albert Elementary School, 2. Prince M. Amoroso ng AC Herrera Elementary School at 1. Larry D. Rocamora Jr. ng Emilio Jacinto Elementary School.

Labis po ang pasasalamat ng TP o ng inyong lingkod kay DepEd-Manila Elementary and Secondary Journalism Supervisor-in-Charge Ayla B. Urrea sa pag-imbita sa akin na maging isa sa mga resource person/judge para sa sportswriting sa Filipino o Pagsulat ng Artikulo o Balitang Pampalakasan.

Salamat din po kay Proctor Cayetano Arellano High School Paper Adviser Vanessa O. Dela Cruz at Co-Proctor Ramon Avancena High School Paper Adviser Shirley V. Nardo

Mabuhay po ang campus journalism, kayo rin mga batang sportswriter!

Leave a Reply

Your email address will not be published.