WebClick Tracer

OPINION

Olats ang demolition job

Wala talagang idinudulot na kabutihan ang tsismis. Sa mga ordinaryong mamamayan, pinagmumulan ito ng away ng mga magkakapitbahay at maging sa magkakaibigan.

Sa gobyerno, hindi rin nawawala ang tsismis. Mas mabagsik pa ang pinapakawalan dito tulad na lamang ng pinakalat na nagbitiw na raw sa puwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez last week. Abala pa mandin ang tinaguriang ‘little president’ sa preparasyon para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang pumutok ang isyung ito.

Agad na nagpatawag ng press conference si Rodriguez upang itanggi ang kumalat na tsismis. Sabi ng executive secretary, fake news ito.

Natuldukan na ba ang isyung ito? Sa tingin ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat, nagsisimula pa lamang ang powerplay sa Malacañang kaya payo niya kay Rodriguez ay maging alisto sa mga pailalim na galawan para samantalahin ang kabaitan ni Pangulong Marcos at sa mga tapat na political lieutenant nito.

Dapat nga raw, walang gumagambala sa ‘honeymoon period’ ng administrasyong Marcos na kalimitang tinatamasa ng mga bagong halal na pangulo ng bansa at mga opisyales nito.

“Dapat mapagbigyan din ng honeymoon period privilege si ES Rodriguez dahil siya ang higit na pinagkakatiwalaan ng presidente,” wika ni Cabatbat sa isang interview.

Hindi natutuwa ang ilang miyembro ng gabinete sa isyung pinasingaw o demolition job laban kay Rodriguez dahil parang tinatamaan na rin daw nito si Pangulong Marcos. Sabi ni Undersecretary Jose Faustino Jr., officer-in-charge ng Department of National Defense (DND), dapat magkaisa ang mga Pinoy sa liderato ni Marcos.

“Importantly, we fully support the leadership of His Excellency, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., and his vision of a stronger and better Philippines through national unity, nation-building and economic recovery,” diin ni Faustino.

“Your Defense Department is cognizant of the need for cohesiveness as a people to achieve our desired goal. Hence, the recent innuendos against the Honorable Executive Secretary, Victor Rodriguez, or against any person for that matter, is an assault to his honor,” mariin na pahayag ng pinuno ng DND.

Kung sino man ang tao o grupong humahatak pababa kay Rodriguez, hindi ito makatutulong para agarang makamit ang mithiing matatag at progresibong Pilipinas.

Tiwala naman si Cong. Cabatbat na habang tama ang ginagawa ni Marcos, walang magagalit o masasagasaan sa kanyang mga desisyon.

“Kailangan mailinaw ng Pangulo ang mga dahilan sa mga naging desisyon ng kanyang administrasyon lalo na sa mga appointments. For as long as the president is doing the right thing, I don’t think he will offend anyone,” diin ni Cabatbat.

Malaki ang tiwala ni Marcos kay Rodriguez at hindi ito masisira lalo na kung pawang mga tsismis lamang ang ibinabato laban sa executive secretary.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID