WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Angel, Neil 1 taon na

BETH GELENANagdiwang ng 1st wedding anniversary ang celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Masayang binati ng aktres ang kanyang very loving husband.

The couple tied the knot in a solemn civil wedding anniversary officiated by Mayor Lino Cayetano at the Taguig City Hall -.

Tanging ang mahusay na aktres at isa sa closest friends ni Angel ang naging saksi nang kinakasal na ang celeb couple, si Dimples Romana kasama ang husband niyang si Boyet.

Sila na rin ang nagsilbing photographer at videographer ng mag-asawa.

Sa anniversary greeting ng aktres, tinawag niyang heart and soul ang hubby.

“Hey it’s our 1st wedding anniversary,” umpisa ng aktres.

“Happy anniversary to my heart and soul.”

Nag-congratulate naman sina

Dimples, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Vice Ganda.

“Love u both,” sey ni Dimples.

“Happy anniversary power couple,” greetings naman ni Angelica Panganiban.

Bea Alonzo also greeted them a happy anniversary, while Vice wrote the words “O kay tamis,” sa comments section.