WebClick Tracer

NEWS

Dagdag-benepisyo sa mga guro inutos ni Marcos

Inatasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan ang proposal na magbibigay ng ‘non basic wage benefits’ sa mga guro imbes na tumutok sa salary hike.

Ayon kay DepEd spokesman Michael Poa, ang proposal ay makapagbibigay sa mga guro ng non basic wage benefits na tulad ng allowance.

“This has already been presented to the President, and he has instructed for that to be looked into, na ‘yung mga nonbasic wage benefits, tingnan natin kung ano ‘yung mga puwede nating madagdag para sa umento ng mga take-home pay ng mga teachers,” ayon kay Poa.

Paliwanag ni Poa na hindi basta-basta maipatutupad ang dagdag na sahod dahil maraming factors ang kailangang ayusin para maisakatuparan ang matagal nang inaasam na dagdag-umento.

Sa ngayon ay naghahanap ang DepEd ng ibang paraan para magbigay ng allowance sa mga guro at para matugunan din ang kanilang pangangailangan. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID