WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Malaking tangke ng tubig bumagsak

Masuwerteng walang nabagsakan at walang nasugatan nang bumagsak ang isang tangke ng tubig na pag-aari ng PAMANA-San Leonardo Water District sa Brgy. San Anton, San Leonardo, Nueva Ecija dahil sa lindol kahapon.

Nakunan ng video ni Aina Ladiale at ipinost sa sa kanyang facebook page ang paggalaw ng tangke ng tubig makaraang lumindol hanggang bumagsak ito sa lupa.

Nang respondehan nina PMajor Jaime Ferrer, COP ng San Leonardo ay nabatid na bumagsak ang tangke sa lote ng water district na pag-aari ng negosyanteng si Lucio Co.

Ayon sa Phivocs ang lindol na may lakas na intensity 7 na ang sentro ay sa Abra ay nakapagtala ng intensity 4 sa Nueva Ecija. (Jojo De Guzman)