WebClick Tracer

NEWS

Robin ‘di pasisindak kay ‘Webster’

Tiniyak ni Senador Robinhood ‘Robin’ C. Padilla na hindi siya magpapatalo sa ‘Webster’ dictionary sa kabila ng patuloy niyang pagsisikap para mag-adjust sa kanyang papel bilang miyembro ng Senado.

Ayon sa bagitong senador, patuloy niyang gagamitin ang wikang Filipino sa mga pagdinig at iba pang opisyal na kaganapan sa Senado, sa halip na gamitin ang wikang Ingles - lalo na ang mga salitang malalim ang Ingles o ‘pang-dictionary’.

“Opo, hindi na ako magpapanggap. Mahirap magpapanggap kang si Webster,” ani Padilla sa panayam nitong Huwebes, nang tanungin siya kung itutuloy niya ang paggamit ng Tagalog sa mga pagdinig sa Senado.

Ipinunto ni Padilla na bagama’t Tagalog ang salita ng mga senador sa loob ng lounge, paglabas sa plenaryo ay ‘Amerikano’ na ang wika. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID