WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Ex-Kapitan, tinadtad ng bala

Patay ang isang dating barangay captain matapos na barilin ng hindi nakilalang suspek habang nasa ipinapagawa niyang eatery sa Candelaria, Quezon, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Raymundo, 62, residente at dating kapitan ng Barangay Pahinga Norte.

Sa report ng Candelaria police, alas-2:00 ng hapon, nasa loob ang biktima ng kanyang ipinapagawang eatery sa Buncayo Subdivision sa kanilang barangay nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Pagkababa ng backrider, pinagbabaril nito ang biktima at saka mabilis na umangkas uli at tumakas.

Nagtamo ang biktima ng mga tama sa katawan at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen.

Tumanggi naman ang mga kaanak ng biktima na magsalita hinggil sa krimen kahit sinasabing alam nila ang dahilan at kung ano ang motibo dahil makapangyarihan umano ang sangkot sa krimen. (Ronilo Dagos)