WebClick Tracer

SPORTS

Hodge depensa ang pamatay

Habang tumatagal, si Cliff Hodge ang nagiging angkla ng depensa ng Meralco.

Minsan ay hindi nakikita sa stats sheet ang ambag niya, pero hindi matatawaran ang impact ng forward sa team.

Sa do-or-die Game 3 ng Philippine Basketball Association Philippine Cup quarterfinals Linggo, si Hodge muli ang nangulit nang maisahan ng No. 5 Bolts ang No. 4 Ginebra sa playoffs.

Naglista siya ng 13 points, 18 rebounds, 2 assists at tinanggap ang offensive foul ni Scottie Thompson sa end game na napreserba sa Meralco ng 106-104 upset win.

Sa numerong dineliver at laki ng papel na ginampanan sa best-of-three series, ang 6-foot-4 forward na si Hodge ang tinanghal na Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week ng July 27-31.

Sa dalawang laro, nag-average ang 10-year veteran ng 19.0 points, 10.0 rebounds, 1.5 assists.

Bago ang breakthrough win, 0-5 ang Bolts sa Gins sa playoffs, 0-4 sa finals.

“I’m just proud of everybody in our team,” ani interim coach Luigi Trillo na humalali kay Norman Black. “We stuck together.”

Biyaheng semis ang Meralco, kakailanganin muli ang tibay ni Hodge kontra top seed San Miguel Beer. Umpisa ng best-of-seven sa Miyerkoles. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID