WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Nicole winner ang byuti

NI: NONIE NICASIO

Pasabog ang mabibistahang beauty at kaseksihan ni Nicole Borromero sa kanyang Instagram account.

Umaapaw ang karisma ng dalaga, kaya siguradong maraming boys ang nagpiyesta ang mga mata sa kanyang nakapaglalaway na alindog. Lalong lumutang ang kariktan niya sa suot na sexy two-piece swimsuit.

Ang tipo ng kanyang beauty ay may matinding impact sa mga kalalakihan.

Matinding pampainit ang hatid niya sa mga barako. Swabe ang alindog ni Nicole. Sadyang kahali-halina ang kabuuan ng dalaga.

Si Nicole ay isang beauty queen at model, nanalo siyang Miss Millennials Philippines ng Eat Bulaga noong 2019. Mula sa lalawigan ng Cebu, siya ang itinanghal na Binibining Pilipinas Miss International 2022 sa grand coronation night nito last Sunday sa Araneta Coliseum.

Walang barakong hindi mauuhaw sa kanyang masabaw na kariktan.

Maraming kalahi ni Adan ang hindi kayang magpigil na magpantasya sa kanya.