WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Ahente ng pataba, bulagta sa 5 tingga

Limang tama ng baril ang tumapos sa buhay ng isang ahente ng pataba noong Lunes sa Brgy. Tambo Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PMajor Jaime Ferrer, nakilala ang biktima na Edwin Alfaro Abellon, 36, residente ng naturang lugar na hindi na umabot ng buhay sa Nueva Ecija Medical Center sa Brgy. San Anton, San Leonardo.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PSSg Reagan A Barlis na alas-9:00 ng gabi, nakikipag-inuman sa ilang pinsan si Abellon sa harap ng kanilang tahanan nang bigla umanong dumating ang salarin na nakamotorsiklo at malapitang pinagbabaril ang biktima at saka mabilis na tumakas.

Nagawa pang itakho sa NEMC si Abellon subali’t dead on arrival na.

Dalawang anggulo umano ang sinisilip ng pulisya na posibleng motibo, ang ukol sa kinakaharap na kasong paglabag sa Rep. Act 7610 o child abuse at ukol sa hanapbuhay nito. (Jojo De Guzman)