WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

COVID daily sumipa ng 24% bagong kaso 3,443 na

Umakyat na sa 3,443 ang bagong kaso ng COVID 19 o 24% ngayon linggo.

Base sa National COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health (DOH) kahapon, nabatid na mula Hulyo 25 hanggang 31, ay nakapagtala sila ng

24,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 3,443, na mas mataas ng 24% kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Hulyo 18 hanggang 24.

Sa mga bagong kaso, 76 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Habang may naitalang 44 na pumanaw pero ang mga ito ay hindi naganap noong Hulyo 18 hanggang 31.

Kaugnay nito , noong Hulyo 31, 2022 ay may 744 malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)