WebClick Tracer

NEWS

ICC ‘wag barahan imbestigasyon – Risa

Dismayado si Senadora Risa Hontiveros sa desisyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na huwag na muling sumapi sa International Criminal Court (ICC).

“Bakit tila may pag-aalinlangan yata?” tanong ni Hontiveros.

“It is the prerogative of the president, though it is regrettable as the Rome Statute is the collective commitment of the community of nations against state sponsored impunity,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, umaasa si Hontiveros na hindi haharangin ng gobyerno ang gagawing pagsisiyasat ng ICC sa umano’y extrajudicial killings sa bansa sa ilalim ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID