WebClick Tracer

NEWS

Pabakuna para walang lockdown – BBM

Muling inilarga ng gobyerno ang vaccination rollout laban sa COVID-19 para makasiguro ng proteksiyon ang mamamayan sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso sa bansa.

Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang paglulunsad ng vaccination rollout para sa second booster sa Pasig Sports Complex sa Pasig City.

Ang event na tinawag na “Pinas Lakas” ay pinangunahan ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) at Pasig City Mayor Ma. Regis ‘Vico’ Sotto.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na hindi iniiwanan ng COVID-19 ang bansa kaya dapat magpabakuna lahat para hindi na muling dumami pa ang mga tinatamaan ng bagong variants ng COVID-19.

Hinimok din ni BBM ang publiko na magpa-boos¬ter na at hikayatin ang mga kasama, pamilya.

“Lahat, sabihin ninyo na magpa-booster na para hindi n’yo na kailangang aalahanin itong COVID na ito para masasabi natin na dito sa Pilipinas ay tapos na,” dagdag ng pangulo.

Tiniyak din ni Marcos na walang lockdown basta magpabakuna ang mamamayan para makontrol ang pagkalat ng hawaan ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID