WebClick Tracer

NEWS

PBBM babawi sa mga poll worker

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hindi kinakalimutan ang mga guro at iba pang indibidwal na nagsilbi sa katatapos na eleksiyon.

Kasunod ito ng pag-veto sa enrolled bill na magbibigay ng exemption sana sa honararia, allowances at iba pang benepisyo ng election workers.

Sinabi ng pangulo na maaari namang bigyan na lamang ng ayuda ang mga nagsisilbi tuwing mayroong eleksiyon sa halip na pirmahan ang isang batas para ma-exempt sila sa buwis.

“Hindi ibig sabihin nito na kinalimutan natin ‘yong ating mga election worker. Mayroon — babalikan natin sila pagka nagka-eleksiyon, eh ‘di titingnan natin sino ba talaga ang nagtrabaho? Ilang oras sila, ilang araw sila nagtrabaho dito? Ano ‘yong kanilang position? Sila ba’y naging — sila ‘yong nag-aano doon sa mga makina? Whatever it is,” anang pa¬ngulo.

Hindi aniya kinakailangang magdadag ng bagong kategorya sa pagbubuwis dahil posibleng magdulot lamang ito ng problema, kalituhan o red tape. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID