WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Senado hihigpitan mga bisita

Oobligahin na ang mga bisita ng Senado na magpakita na negatibong resulta ng COVID-19 antigen test simula Agosto 8.

Ang dagdag na requirement ay ipapatupad matapos mag-positibo sa Covid-19 si Senador Alan Peter Cayetano.

“Yes, the Senate President [Sen. Juan Miguel Zubiri] gave instructions last night. We will require guests and visitors to present proof of a negative antigen test taken within 24 hours. We hope to finalize the amended guidelines soon.”
“We will implement the stricter health protocols starting Monday,” dagdag pa niya.

Bukod sa negative antigen test result, ang mga bisita ay dapat magpakita rin ng COVID-19 vaccination cards bago payagang makapasok sa gusali ng Senado sa GSIS building sa Pasay City.

Ipinanukala din Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na limitahan ang pagpapasok ng mga bisita at iyong may mga mahahalagang pakay lamang ang dapat papasukin sa gusali. (Dindo Matining)