WebClick Tracer

OPINION

Binentang awto nasira

Isang mapagpalang araw po Atty,

Ako po ay may ibenentang used car, isang buwan na ang nakaraan . Bago ko po ibenta sa bumili ay sinabi ko po na i-pacheck muna nya sa mekaniko para makasigurado sya na magagamit nya ng maayos. Kasi ‘yun po ay nabili ko rin lang at hindi po ako marunong magmaneho kaya ibinenta ko ulit. Yung sasakyan po ay dun ko dinala mismo sa lugar ng bumili para mapatingnan nya sa mekaniko, pero siya na po mismo ang nagsabi na huwag na patingnan. Kinabukasan po ay pinaarkila na nya, tapos makailang araw po ay nahingi ng pera sa akin pampagawa raw po nya. Ano po ang dapat kong gawin? dahil perwisyo na po ang paninira nya sa akin. Salamat po sana matugunan po ninyo ang katanungan ko!
Zin

Ms. Zin,
Sana ay mayroon kang hawak na mga kopya ng inyong usapan patungkol sa nais mong ipa- check ang sasakyan bago nya kunin at gamitin para maging ebidensya mo. Magkagayunman ay lumalabas sa kwento mo na tinggap nya ang sasakyan at ang presumption niyon ay nasa maayos itong kondisyon lalo pa at ginamit niya ito at pinarkila pa ng ilang araw. Ibig sabihin ay nais na niya ito kaagad pagkakitaan. Dahil dito ay lumalabas na parang na “waive” ang kanyang karapatan sa anumang depekto ng sasakyan matapos niya itong tanggapin mula sa iyo at ipaarkila sa iba. Ang anumang naging sira nito ay maaaring mula sa gumamit na ibang tao maliban sa kanya.

Sa aking palagay ay wala siyang karapatang maningil sa iyo dahil ayon sa iyo ay ilang araw na niya ito pinaarkila at pinagamit kung kani-kanino at saka lamang niya sasabihing may sira.

Kung sinisiraan ka naman sa social media ay maging handa ka sa pagsampa ng kasong cyber libel sa kanya. Makipag ugnayan sa pinakamalapit na NBI o PNP at dun humingi ng assistance para makapagreklamo para mapatawag siya o kaya naman ay masampahan ng kasong criminal kung hindi darating sa pa tawag ng NBI Cyber Crime Division.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 5:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.