WebClick Tracer

METRO

Kumagat sa buy-bust, lady tulak bagsak

Isang lady shabu pusher ng Pasay City na dumayo pa sa Bulacan para magbenta ng droga ang nadakip ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) nang makipagtransaksyon sa undercover policeman sa Barangay Meysulao, Calumpit, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Sa isinumiteng report kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Edna Calceta, 53, taga-Tramo St., Pasay City na nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.

Ala-una ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang Bulacan PIU sa pamumuno ni P/Lt.Col. Jesus Manalo, PIU Chief, sa Barangay Meysulao, Calumpit at kumagat ang lady tulak

kaya inaresto ito.

Nakuha sa suspek ang dalawang pakete ng shabu at marked money. (Jun Borlongan)