WebClick Tracer

NEWS

Paninira kay ES Rodriguez bistadong black pro

Kaladkad ang isang grupo na pinamumunuan umano ng itinatago sa pangalang Prudente na naging tulay ng ilang negosyante kay Pangulong Bongbong Marcos nakaraang eleksyon ang nasa likod ng paninira kay Executive Secretary Vic Rodriguez.

Ito ang ibinunyag ng isang source na malapit sa Malacanang matapos ang mga lumalabas na paninira kay Rodriguez kung saan ang pinakahuli ay ang kumalat na artikulo na nagbitiw ito sa pwesto na malinaw na isang fake news.

Ayon sa source, tinuturing ngayon na power broker sa Malacanang ang pasimuno ng black pro kung saan ilan sa sinasabing juicy position na ni-lobby nito ay ang Bureau of Customs(BOC), Bureau of Internal Revenue(BIR) at Land Transportation Office(LTO).

Ipinagmamalaki umano ni Prudente na naging masipag sya sa paghahanap noong eleksyon sa mga negosyanteng gustong tumulong sa Uniteam na karamihan ay mga Chinese businessman sa Cavite.

Maraming negosyante ang pinangakuan ni Prudente na mabibigyan ng malaking projects kapalit ng hininging pera kaya para makontrol ang pagtatalaga ng mga opisyal sa gobyerno ay tinatarget umano nitong siraan ang itinuturing na “ little President” sa inilunsad nyang malawalang black propaganda.

Sinabi ng source na makasisira sa administrasyon ang patuloy na presensya ni Prudente sa Malacanang dahil kilala ito na malapit sa mga negosyante at opisyal ng gobyerno na nahaharap sa ilang kontrobersiya at kaso.

Sa katunayan ilan sa inirekomenda ni Prudente na maupo sa pwesto ay hinarang ng isang sikat na vlogger na dikit sa Pangulo dahil sa umano’y “fictitious character” .