WebClick Tracer

METRO

Rescuer inanod sa Bukidnon

Tinangay ng baha ang isang City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRM) rescuer kasama ang kanyang nire-rescue sa Valencia, Bukidnon nitong Biyernes ng gabi.

Ibinahagi ni CDRRM Officer June Ray Valero ang video kung saan mapapanood na nakayakap sa kahoy ang isang 17-anyos binatilyo na tinangay ng baha.

Sinugod umano ni Kenneth Richards Cabaluna ang malakas na agos ng tubig upang sagipin ang biktima.
Dahil rumaragasa ang tubig, nabitawan niya ang lubid. Napahawak na lamang din ito sa kahoy na yakap-yakap ng nire-rescue.

Magkasamang tinangay ng baha si Cabaluna at ang binatilyo.

Umabot ng 2 oras ang isinagawang rescue operations at ligtas na natagpuan ang dalawa.

“Malaki ang tulong sa aming mga trainings upang manatiling kalmado,” ani Cabaluna. (AMDJ)