WebClick Tracer

SPORTS

Villoria, Bacolod lusot vs Pasig

Selyado ng isang driving lay up ni Kraniel Villoria ang pag-alpas ng Bacolod Bingo Plus kontra Pasig Sta. Lucia Realtors 71-70 sa pagpapatuloy ng OKBet Xtreme 4th Maharlika Plipinas Basketball League regular season game nitong Sabado ng gabi sa Bren Guiao Convention Center sa City of San Fernando.

May 18 segundo ang nalalabi at nakatrangko pa ang PasigueƱos sa 70-69 nang dehins mailayo ni Jun Manzo ang kampo sa sinablay na jumper. Sinamantala ni Villoria ang sumunod na tagpo sa winning basket.

Akyak sa 7-4 win-loss rekord ang mga Negrense dribbler sa pagpanlima sa South Division, sinalya ang biktima sa 6-4 sa pagpang-apat sa North Division.

Tinapos ni Villoria ang makinang na gabi sa 16 points at 5 rebounds upang angkinin ang best player of the game. (Annie Abad)