WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

3 bagyo naispatan ng Pagasa

Tinatayang dalawa hanggang tatlong bagyo ang tatama sa bansa ngayong buwan ng Agosto, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ipinahayag ni weather forecaster Obet Badrina, na nakalabas na ng Philippine area of responsibility ang low pressure area ngunit mas pinaigting ang southwest monsoon sa Luzon.

Nabatid sa Pagasa na uulanin ang Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan,

Kalayaan Islands at Metro Manila.

Hinahatak ng hanging habagat ang LPA kaya nagbabala ang Phivolcs na magiging maulan pa rin sa susunod na 24 oras, inaasahang makakaranas ng malakas na ulan sa Caraga at Davao Region. (Tina Mendoza)