WebClick Tracer

SPORTS

Agura pa-wow sa aquathlon

Pasiklab sina Mark Anthony Miraflor at Kriska Sto. Domingo sa kaaarangkada lang na The Swim Academy (TSA) Philippines Super Aquathlon sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Imus City.

Bida si Miraflor sa male overall 350-meter swim, 3-kilometer run sa oras na 19:52 samantalang may 24:34 si Domingo sa female overall o sa pangunguna nila sa Magic 10 winners sa nilargang opening leg event nitong Hulyo 31.

Isa sa nais kong i-congratulate si Engr. Divine Grace Agura, anak ni running coach Janette Agura ng Batangas. Kapwa kaibigan natin ang mag-ina. Nakoberan at nakapanayam kapag nananalo sila sa mga patakbo.

Nais ko pong ibahagi sa inyo dear TP readers na kabilang sa Top 10 si Divine Grace, 26, isang compliance engineer II sa Emerson Electric Asia Ltd ROHQ sa Quezon City at kasalukuyang nagmamaster sa environmental engineering sa Ateneo de Manila University sa nasabi ring lungsod.

Maski kababalik lang sa swimming training kay coach, two-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Maria Claire Adorna, aba’y pumampito siya sa pangkalahatan at siya ring nagwagi sa women’s 20-29 age group sa 28:06 clocking.

Sa nakuha kong detalye sa mabait ding si coach Janette, nagkampeon na ang nakababatang Agura sa The Bull Runner Marathon at minsang tumersera na rin sa Clark triathlon.

Ibinahagi ko lang poi to dahil sa kabila na hectic ng kanyang schedule, naipapasok pa rin ni Divine Grace ang sports sa kanyang routine. Sana dumami po ang mga tulad niya o tumulad sa kanya.

Para maging malusog pa rin po tayo.