WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Amanda game sa dog style

NI: Nonie Nicasio

Ang Vivamax hottie na si Amanda Avecilla ay walang arte kapag maiinit na love scene ang pag-uusapan. Guest sina Amanda at Alexa Ocampo last Friday sa online show namin na Tonite L na L nina katotong Roldan Castro at Chuffa Mae Bigornia.

Dito’y natanong si Amanda na kung may eksenang kailangan siyang lamutakin ng leading man niya, sino ang type niya?

Tugon niya, “Sa lalaki po ba o sa babae? Kapag sa lalaki po, ang gusto ko ay si Albert Martinez, gusto ko po kasi yung maangas pero sexy looking guy. Kung sa babae naman, gusto ko si Rhen Escano po, kasi ay gandang-ganda ako sa kanya.”

Katatapos lang niyang mapanood sa Scorpio Nights 3 at this August ay sa Sitio Diablo naman mapapanood si Amanda sa Vivamax.

Sa mga pelikulang nagawa niya, nabanggit ng sexy actress na madalas siyang mapasabak sa mga orgy scenes. Pero okay lang ito sa seksing-seksing alaga ni Jojo Veloso dahil itinuturing niya ito bilang part lang ng trabaho niya bilang aktres.

Sa Fast Talk segment ng show, inusisa si Amanda kung ano ang best time for sex para sa kanya? “Ang best time for sex para po sa akin ay sa tanghali, para meryenda. Yes, okay po sa akin na meryenda ang buhay na hotdog, hahahaha!”

Ano ang kanyang favorite sexual position? “Mahilig po kasi ako sa aso eh, so dog style po, hahaha! Iyon ang sa tingin ko ay pinaka-satisfying for me, based on experience lang po,” nakangiting wika pa ni Amanda.