WebClick Tracer

METRO

Bangkay ng padyak driver humarang sa kalsada

Nakasubsob sa semento at wala ng buhay nang matagpuan ang pedicab driver sa Navotas City kamakalawa.

Sa pamamagityan ng kanyang ID sa wallet, nakilala ang biktima na si Daniel Patumbon, 25, binata, ng F. Pascual Street, Barangay Daang Hari, Navotas.

Kwento ng saksing si Angelo Quindor, 34, alas-10:45 ng tanghali nang mamataan niya ang nakasubsob at hindi na gumagalaw na katawan ng biktima sa kahabaan ng Kahunan 1, Barangay San Jose.

“Kinabahan po ako kaya tumawag ako ng barangay para ipaalam na may taong nakadapa sa kalsada,” ani Quindor.

Nagresponde ang mga tauhan ng Navotas City Action Command Center at wala namang palantandaan na sinaksak at binaril ang biktima.

Inaalam ngayon kung pinatay o sadyang namatay si Patumbon. (Orly Barcala)