WebClick Tracer

SPORTS

Brgy Liga patok sa kabataan

Dinagdagan ng Milo Philippines ang pagpapawis ng mga kabataan sa nakaraang tag-init sa iba’t ibang panig ng bansa sa kinagiliwang bagong grassroots sports program na tinawag na Milo Barangay Liga.

Daang-daan ang mga nakilahok sa basketbol sa bawat mga Barangay na pinuno rin ng mga manonood ang pinagdausan mula nang matigil ang mga programa sa sports ng Olympic (chocolate) energy drink sanhi ng dalawang taong pandemya.

“It is with excitement that we welcome again our champion kids from couch to court, and see them playing on team setting. At the MILO® Barangay Liga, we see teamwork, discipline and respect in action,” pahayag Lunes ni Milo Sports Executive Carlo Sampan.

“Aligned with the brand’s purpose of nourishing kids’ journey to success with nutritious energy and inspiration to grow with sports, the MILO® Barangay Liga served as a platform for kids to develop their skills, build confidence, and become a role model to their peers. More than that, we see a lot of potential talents that we can hone and build as champions in and outside the court.“

Nakiisa rin ang mga mga magulang, karamiha’y ina sa programa bilang suporta sa kanilang mga anak. Kapartner ng Milo rito ang Department of Education.

At sa pagbubukas ng mga eskuwelahan ngayong buwan, babalik din ang Milo Sports Clinic para mahasa ang talent sa sports ng bawat bata na magandang pundasyon nila sa paglaki. (Abante TONITE Sports)