WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Cherie saludo sa pagpapalaki ng 3 anak

NI: BETH GELENA

Nag-post ang tatlong anak ng namayapang aktres na.si Cherie Gil sa kani-kanilang Instagram account.

Bawat isa ay kasama nila sa larawan ang kanilang ina.

Ang panganay ni Cherie na si Jay Eigenmann ay feel na feel sa larawan na kanyang ibinahagi ang sobrang pagmamahal sa mahusay na aktres.

Walang caption ang kanilang picture, pero ang mahigpit na.yakap nilang mag-ina ay mararamdaman ang sobrang pagmamahal nila sa.isa’t isa.

Si Jay ay anak ni Cherie sa komedyanteng aktor na si.Leo Martinez.

Knows sa showbiz circle ang relasyon ni Cherie kay Leo, pero hindi eto importante sa industriya dahil mas nakatutok sila sa husay ni Cherie sa pag-arte at magaling na kontrabida.

Hindi itinago ng aktres sa publiko ang panganay na anak mas ninais lang niyang maging pribado ang buhay nito.

Sa black and white photo naman ng anak niyang babae na si Bianca Rogoff na kasama ang ina, ang nilagay na caption ni Bianca ay “more later. I love you mom.with heart emoji.”

Picture naman ni Raph Rogoff when he was a kid ang ibinahagi niya kasama ang ina. May isa pang solo pix ni Cherie na may background na blue sky.

At ang isang larawan ay mahigpit na pagkaka-abresyete ni Raph sa ina.

Nakakabagbag-damdamin kumbaga.

Sina Bianca at Raph ay half siblings ni Jay.

Hinangaan naman ng isang netizen ang pagpapalaki ni Cherie sa tatlo niyang anak.

“I love how Cherie’s three children are decent and humble. Never nakitang epal and KSP on social media. They really followed their mom’s wish to keep her condition private.”

“NYU grads rin pala ang 2nd and 3rd. Not sure sa eldest son on what school siya.”

(Sa Full Sail University graduate si Jay with a bachelor’s degree.in Arts and Recording with honors.)
“Private at classy kasi yung nanay nila and it reflects on them.”