WebClick Tracer

NEWS

COVID bakuna sa mga bata `di sapilitan – DepEd exec

Nilinaw kahapon ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na hindi nila pipilitin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, hindi naman sapilitan na pabakunahan ng mga magulang ang kanilang anak kontra sa virus.

Kaugnay nito, sinabi ni Poa na nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH) upang mabakunahan ang mga estudyante at school personnel laban sa COVID sa muling pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Agosto.

Sinabi ni Poa na nais nilang tumulong sa Department of Health (DOH) upang hikayatin ang mga magulang na pabakunahan kontra COVID ang kanilang mga anak subalit huwag naman sana aniyang iasa pa sa mga guro ang vaccination drive dahil puno na rin ng trabaho ang mga ito.(Dolly Cabreza)