WebClick Tracer

SPORTS

Green ‘binastos’ ng tinedyer

Binastos ng isang 16-year-old player si Jalen Green – sa sarili pang basketball camp ng Fil-Am.

Bumalik sa kanyang home state sa California ang 20-year-old Houston Rockets guard at naglunsad ng dalawang araw na clinic sa Hoover High School para sa mga bata mula 1st hanggang 8th grade.

Sa isang short clip na lumabas sa social media, kita ang incoming National Basketball Association sophomore na binabantayan sa free throw line one-on-one ang isang camper.

Umatake sa kanan ang teenager, hinarangan ni Green na nag-akalang titira ng layup ang bata.

Pero hinto bigla ang camper bago inikutan palayo si Green. Lumipad ang 20-year-old dribbler, simpleng bumitaw naman ng fadeaway ang teener.

Naghihiyawang nagsuguran sa court ang ibang campers para i-celebrate ang ginawa ng bata. (Vladi Eduarte)