WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

JC walang arte maghubo’t hubad

NI: ARCHIE LIAO

Ayon kay JC de Vera, open daw siya sa pagtanggap ng sexy roles tulad ng mga pelikulang napapanood sa Vivamax.

Hindi rin daw naman big deal sa kanya ang pagpapaseksi o nudity dahil nagawa na raw na niyang magpakita ng puwet sa pelikulang Best Partee Ever kung saan siya tinanghal na best actor noon sa 2016 QCinema International Film Festival.

Nagkaroon na rin daw siya ng mga maiinit na eksena noon kasama si Nathalie Hart sa CinemaOne Originals entry na Tisay taong 2016.

Bagamat hindi raw naman ang pagpapaseksi ang direksyon ng kanyang karera ngayon, hindi raw niya isinasara ang sarili sa paggawa ng mas mapangahas na roles na ini-stream para sa Vivamax.

Depende raw sa materyal at sa requirement ng role, willing daw siyang gumawa ng daring scenes dahil bahagi raw naman ito ng trabaho niya bilang aktor.

Bilang negosyante, aminado si JC na naapektuhan ang kanyang restaurant business noong pandemya kaya ito nagsara.
Sa ngayon, may bagong venture daw siya na may kaugnayan sa construction business.

Si JC ay bida sa 2022 Cinemalaya entry na “Bakit Di Mo Sabihin?” .Katambal niya sa kauna-unahang pagkakataon ang Urian award winning actress na si Janine Gutierrez.