WebClick Tracer

SPORTS

Jia, Cool Smashers binutata HD Spikers

STANDING
TEAM W L
Creamline 3 0
Taipei 1 0
PLDT 2 1
Cignal 1 2
BM Army 0 4
Laro ngayong Martes (Mall of Asia Arena)
4 pm – Taipei vs PLDT Home Fibr

Muling binigyang direksiyon ni Julia Melissa ‘Jia’ Morado-De Guzman ang Creamline sa paghihimagsik kontra Cignal, 25-17, 25-15, 25-22 sa 5th Premier Volleyball League Invitational Conference semifinals sa MOA Arena sa Pasay Lunes ng gabi.

Giniyahan ng 27-anyos, 5-7 ang taas na setter ang Cool Smashers sa 26 excellent sets para makaatake ang mga katropa, at mairesbak ang four-set loss sa High Definition Spikers sa eliminations noong Hulyo 21, at kapitan ang solo liderato sa tatlong deretsong ragasa.

“Nagpapasalamat kami sa panalo,” ani Morado-De Guzman. “Talagang pinaghirapan namin ito kahit na back-to-back kami na five set sa huling laro nakabawi kami sa kanila.”

Sumibat si Diana Mae ‘Tots’ Carlos ng 21 points sa likod ng 18 kills, 2 blocks at 1 service ace habang may 11 puntos si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza. Umiskor pa ng 9 si Celine Domingo.

Matamlay ang Cignal patunay na nakatigwalong puntos lang sina France Xinia ‘Ces’ Molina at Roselyn Doria at ikalagpak ng kampo sa pang-apat sa 1-2 baraha

Sa third stanza lang pumalag ito nang makadistansya sa 9-6 saka diniktahan uli ng Creamline ang hambalusan. (Lito Oredo)