WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Juday maghihimala

NI: Archie Liao

Magkakaroon ng book launch ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee sa Cultural Center of The Philippines ngayong Agosto 9.

Isa ito sa highlights ng ika-18 taon ng Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon.

Sa nasabing event , magpapakitang gilas at isasabuhay ni Judy Ann Santos ang iconic character ni Elsa. Ginampanan ni Nora Aunor sa obrang Himala ni Ishmael Bernal.

Babasahin niya ang pamosong monologo ni Elsa sa nabanggit na akda ni Lee.

Dati nang nagkasama sina Juday at La Aunor sa pelikulang Babae at isang dream come true para sa kanya ang mabigyang buhay ang pinasikat na character ng National Artist for Film.

Kasama rin niyang magbabasa ng excerpts sa mga screenplay ni Lee sina Dingdong Dantes, Agot Isidro, Gina Alajar at Aicelle Santos.

Si Aicelle naman ang nagbida noon sa stage musical version ng Himala ni Ricky Lee.

Sa book launch ay mabibili ang Mga Screenplay ni Ricky Lee Vol 1: Brutal, Moral, Karnal; and Vol 2: Himala, Salome, Cain at Abel. Iho-host ang naturang book launching ni John”Sweet” Lapus na isa sa workshoppers ni Ricky.