WebClick Tracer

NEWS

Julius Babao bad trip: Shakey’s pizza may halong plastic

Inilabas ng journalist na si Julius Babao ang kanyang pagkadismaya matapos umorder mula sa isang kilalang pizza restaurant sa bansa.

Sa dalawang minutong video na ibinahagi niya sa Facebook, ipinakita ni Babao ang pizza na inorder niya na may plastic.

Ang nangyari umano ay napagitnaan ng plastic ang dough at cheese.

“Dumating na ‘yong order namin na pizza from Shakey’s. Itong weirdest experience namin guys ‘no. Pinatungan ng cheese, ito… Kaya pala ang hirap kako, ini-slice ko kanina siya. Sabi ko, ‘Parang may plastic?’ So nung inangat ko ngayon guys, may plastic sa loob, see?” ang sabi ni Julius, nang itinaas ang plastic mula sa pizza.

“May plastic, tapos ‘yong dough nasa ilalim, sa ibabaw, pinatong nila ‘yong cheese dun sa plastic… OMG… grabe,” dagdag ni Babao.

“Buti hindi natunaw `yong plastic, hindi sumama dun sa cheese kundi nakain namin `yong cheese saka `yong plastic. Naku, ano ba `yan, Shakey’s. Anong nangyayari sa inyo? Wala kayo sa sarili,” ayon kay Babao.

Sa naturang post ni Babao, humingi ng paumanhin ang Shakey’s sa nangyari.

“Thank you for calling our attention on your delivery experience with one of our stores. We sincerely apologize for this unfortunate incident. We acknowledge that a mistake had been made by our staff and we will take this as an opportunity to learn and do better,” pahayag ng Shakey’s.

“We are currently undergoing a thorough and fair investigation to understand exactly what transpired, so we can reinforce our systems and procedures to prevent incidents like this from happening again, for any of our guests,” dagdag ng resto. (Issa Santiago)