WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Kang Ki Young nadale ng COVID

Nang dahil sa COVID-19, hindi nakasama si Kang Ki Young sa bakasyon ng cast at ilang production people ng hit k-drama na “Extraordinary Attorney Woo”

Si Kang Ki Young ang isa sa may mahalagang role sa drama at kinagiliwan ng mga manonood.

Isa sana si Kang Ki Yoon sa nagi-enjoy na sa Bali, Indonesia bilang reward na rin sa unexpected na hit drama ng taon. Sa bansa ay mapapanood ang Extraordinary Attorney Woo sa Netflix.

Pero good thing, naging maaagap ang actor na mag-self-antigen test sa sarili. Nagawa niya ito bago pa makasama at makalipad papuntang Indonesia. Nang malaman daw kasi ni Ki Young na may nakahalubilo siyang nag-positive, kahit na walang anumang symptoms, nag-test pa rin siya at do’n niya na found out na asymptomatic lang siya, pero positive na siya sa COVID-19.

Narito ang official statement ng kanyang agency, ang Namoo Actors.

Hello. This is Namoo Actors.

The past weekend, our agency’s actor Kang Ki Young crossed paths with someone who was diagnosed with COVID-19. He preemptively used a self-testing kit and received a positive result, and his diagnosis was confirmed with the rapid antigen test that he took immediately after.

Kang Ki Young does not have any particular symptoms right now. All of his scheduled activities have been halted, and he will focus on treatment.

In accordance with the guidelines set by disease control authorities, we will put in our full effort to carry out all necessary measures with the health of our actors and staff as our top priority.

Thank you.

Sa isang banda, bukod kay Kang Ki Young, hindi rin nakasama sa Bali, Indonesia ang leading man sa drama na si Kang Tae Oh dahil sa kanyang military enlistment. Pero natuloy si Park Eun Bin ( the lead actress), Joo Joong Hyuk at Ha Yoon Kyung. Gayundin ang director nito na si Yoo In Sik at iba pang crew.

Ang Extraordinary Attorney Woo ay nasa huling apat na episodes na lang.