WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Kelot todas sa torture ng 4

Patay ang isang lalaki matapos itong pagtulungang lamugin sa palo ng apat na suspek kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Tondo si Rafael Altavo, 43, ng Cavite St., Gagalangin Tondo sanhi ng dinanas na torture at tinamong mga galos at palo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabigo naman ang mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 7 na mahuli ang apat na suspek na mabilis na nagtatakbo nang makita ang papalapit na mga pulis.

Sa imbestigasyon ni PSSg Zoilo Nazario, ng MPD-HS, alas-6:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Juan Luna St., malapit sa Lakandula High School.

Hinabol ng mga pulis ang apat na suspek pero nabigo silang abutan na nagkanya-kanyang pulasan.

Patuloy ngayong inaalam ng pulisya ang dahilan kung bakit pinagtulungang umbagin ang biktima. (Juliet de Loza-Cudia)