WebClick Tracer

METRO

Magdyowa nag-honeymoon sa Palawan, naratay

Ospital ang kinahantungan nang masaya sanang honeymoon ng bagong kasal nang dapuan sila ng amoebiasis matapos kumain sa isang restaurant sa El Nido, Palawan.

Kinilala ang mag-asawang sina Gladys at Von.

Kwento ni Gladys, kumain lang sila sa isang restaurant ng clam, hipon at liempo nang bigla siyang makaranas ng sakit ng tiyan, pagtatae, at pagsusuka.

“Pagkauwi medyo ramdam ko na sakit ng tyan ko na parang medyo natatae pero dahil siguro sa pagod nakatulugan na namin pareho ng asawa ko,” ani Gladys.

Ngunit nang walang tigil ang sama ng pakiramdam at tiyan ay tumakbo na sila sa pagamutan.

Lumabas sa pagsusuri na tinamaan ng amoebiasis ang mag-asawa. (MJD)