WebClick Tracer

SPORTS

Marcos sinaluduhan mga atleta

Nagpaabot si Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos, Jr. ng kanyang pagbati sa mga Filipino medalist na nag-uwi ng 28-31-47 ginto-pilak-tansong medalya mula sa 11th ASEAN Para Games sa Indonesia nitong Hulyo 30-Agosto 6.

“Binabati natin ang ating mga kampeon sa katatapos lang na 2022 ASEAN Para Games sa Indonesia. Pinatunayan nila na ‘di hadlang ang kanilang kapansanan upang makamit ang tagumpay,” anang Punong Ehekutibo Lunes sa kanyang Instagram.

Hinirit niya pa na ang dedikasyon ng para o differently-abled athletes ay isang mabuting halimbawa sa mga kabataan at may mga kapansanan na nangangarap ding maging manlalaro ng bansa. (Prince Golez)