WebClick Tracer

METRO

Motor swak sa dam, nene tsugi

Patay ang isang batang babae nang ma-syut sa mini dam ang sinasakyang motorsiklo noong Sabado sa Nueva Vizcaya.

Nasawi matapos malunod at magtamo ng pinsala sa katawan bunsod ng pagtilapon at pagkahulog sa dam ang biktimang si Hazel Jose, 3, ng Barangay Alloy Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ligtas namang nakaahon sa dam ang ina at tiyuhin ng biktima matapos respondehan ng mga residente.

Sa report ng Kasibu Police Station, naganap ang insidente sa mini dam overflow bridge na nagdudugtong sa Barangay Poblacion at Barangay Alloy.

Habang patawid ang motorsiklo sakay ang mga biktima ay nawalan ng kontrol ang rider bunsod ng malakas ang agos ng tubig kaya napadpad ito sa mini dam.

Natagpuan ang wala nang buhay at inaanod na katawan ng bata, 800 metro ang layo mula sa mini dam overflow bridge. (Betchai Julian/Allan Bergonia)