WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Trabahador kinatay ng katagay

NAUWI sa kamatayan ang usapang lasing ng dalawang construction worker nang pagsasaksakin ng isa ang katagay sa Gen Trias City, Cavite, Linggo ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Gen Trias Medicare Hospital ang biktimang si Rico Auxilio y Yuson, 45, dahil sa tama ng saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si Zenjie Bajar y Lacre, isa ring construction worker na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni PMSgt Cristopher Dumlao ng Gen Trias City Police, alas-12:30 kamakalawa ng hapon habang nag-iinuman ang biktima at suspek sa construction site sa Brgy San Francisco, Gen Trias City, Cavite ay nagkasalungat ang dalawa sa kanilang topic na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasakyod ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay habang ginagamot alas-siyete kamakalawa ng gabi. (Gene Adsuara)