WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Vin ‘nilaro’ ang ibon

NI: ARCHIE LIAO

Sa newest entry sa vlog ng mag-asawang Vin Abrenica at Sophie Albert, ipinakita nila ang tipikal na araw nila sa bahay kasama ang anak na si Ava.

Sinisimulan nila ang araw sa pakikipagkulitan sa kanilang munting anghel.

Sinamahan din nila ito sa hospital para magpabakuna.

Naging worried lang sila dahil ito maawat sa kapapalahaw pagkatapos maturukan.

Sa naturang vlog, ipinasilip ni Vin ang bonding moments nilang mag-ama kung saan nilaro ni Vin ang ibong nasa palad habang naaaliw sa panonood si Ava.

Ani Sophie, dati na raw nag-alaga ng kalapati si Vin.

Sobra raw ang naging attachment nito sa pigeon pero nawindang lang ito nang hindi na bumalik ang naturang ibon sa kanila.

Nang mag-freak out ang hawak na ibon, pinakawalan din ito ni Vin at hinayaang makalipad.

Marami rin ang pumuri sa pagiging thoughtful ng actor nang isorpresa nito ang misis ng biniling big bike.