WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

2 aktor game sa ‘dukutan’

NI: ROLDAN CASTRO

Pasabog ang pelikulang “Adonis X” na idinirehe ni Alejandro “Bong” Ramos . Piinagbibidahan ito nina Kristof Garcia at Kurt Kendrick.

Dakila ang kanilang kakisigan sa pelikula at naghuhumindig ang kabukulan sa marami nilang mga eksena.

Panalo ang pagdukot at paglamas ng karakter ni Kurt bilang Adonis mula nang nabuhay siya sa pagiging litrato. Dumaloy ang init sa kanyang katawan at naghanap ng magbibigay sa kanya ng kaligayahan.

Bukod kina Kurt at Kristof, nag-uumapaw din ang kamachohan nina Mark MacMahon at Jaycee Domincel. Siguradong pagpipiyestahan ng kababaihan lalo na ng mga kabadingan ang ADONIS X na mapapanood na sa AQ Prime Stream.

Sagot din ni Grace Vargas ang mga kalalakihan dahil nagpasilip din ng kanyang alindog. Tatlong lalaki ang nagsalu-salo sa kanyang katawan. Bagama’t daring at sexy ang tema ng pelikula, mangingibabaw pa rin ang isang aral na ang bisyo ay walang maidudulot na maganda sa buhay.

Anyway, kung may 100 pesos ka mapapanood mo ang lahat ng mga pelikula sa pinakabago at mainit-init pang streaming platform na AQ Prime.Puwedeng i-enjoy ang sandamakmak na palabas na ihahain sa ‘yo. I-download lang ang AQ Prime sa Google Play at Apple store at one to sawa mo nang mapapanood ang mga programa at mga pelikulang magbibigay aliw at kiliti sa buhay mo.