WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Andrea niyakap si Maris: Kamukha ko ba si Ricci

Dahil ilang araw na ngang nasa Amerika si Andrea Brillantes kasama ang mga Star Magic talents para sa kanilang US concert tour, aminado ang dalaga na nami-miss na niya ang dyowang si Ricci Rivero.

Nakakaaliw nga ang video na ipinost ng co-Star Magic talent niyang si Maris Racal.

Makikita sa video na katabi ni Maris si Blythe (Andrea) at sey ng huli sa una, “pa-hug kasi nami-miss ko na dyowa ko, eh,” sabay yakap dito.

Natawa kami sa sagot ni Maris na “bakit, kamukha ko ba si Ricci?”

At natawa rin si Andrea.

Nag-tweet din si Blythe few days ago ng “day 2 and I miss my jowa.”

Sinagot naman ito ni Ricci ng “I miss you too” kaya super-kilig na naman ang netizens.

Anyway, bukod sa nami-miss niya ang BF, sobrang overwhelmed din si Andrea na first time nakapag-perform sa Kings Theatre sa New York.

“Still can’t believe i performed in Kings Theatre…i never would’ve thought that i’d be able to perform in New York City. i never thought it was possible but..here i am now!! grabe God is Good btalaga,” tweet ni Andrea.

Sinagot naman ito ni Ricci ng “we’re all proud of u!”