WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Badjao Girl nilantad anak

BETH GELENAMay anak na si Rita Gaviola. Kilala bilang si Badjao Girl.

Binahagi niya ang kanyang larawan kasama ang baby at ama ng kanyang anak.

Pinangalanan ni Rita na Baby Guia ang cute na supling

.Hindi binanggit ng newbie momshie kung kailan siya nanganak.

Nagtaka naman ang mga netizen. Hindi raw nila akalaing buntis na si Rita nang sumali ito sa Sexy Babe segment ng It’s Showtime nitong nakaraang February.

Winner of the day pa nga raw si Rita, pero hindi na siya.umabot sa weekly finals.

Si Rita ay sumali sa PInoy Big Brother when she was 13 years old. Nanganak siya at the age of 19.