WebClick Tracer

SPORTS

Durant suklam kay Nash

Lumabas din ang tunay na dahilan kaya gustong lumayas ni Kevin Durant sa Brooklyn.

Si coach Steve Nash.

Sa face-to-face meeting kay Joe Tsai nitong weekend sa London, pinapili ng National Basketball Association superstar ang Nets owner: i-trade siya, o sibakin sina Nash at general manager Sean Marks.

Mula kay Shams Charania ng The Athletic:

“In a meeting with Nets owner Joe Tsai, Kevin Durant reiterated his trade request and informed Tsai that Tsai needs to choose between Durant or the pairing of general manager Sean Marks and coach Steve Nash, sources say.”

Isang taon na ang nakakaraan, pumirma si KD ng four-year, $198M contract extension sa Nets. Noong June 30, nag-request na siya ng trade.

Ang isa pang superstar ng Nets na si Kyrie Irving, kinagat ang $36.5M player option para maglaro sa Brooklyn sa 2022-23. (Vladi Eduarte)