WebClick Tracer

SPORTS

Easy Landing abangers

Isa sa inabangan ng mga liyamadista si Easy Landing sa larga ngayong Miyerkoles na Philracom (Philippine Racing Commission) Rating Based Handicapping System sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Sasakyan ni jockey MB Pilapil, makakasagupa niya sina Great Connection, Waray Na Waray Pa, Tsetseburetse, Stalag Seventeen, Heritage at Morning Girl sa distansyang 1,200-meter.

Nakataya ang P15K prize na ipamumudmod sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line habang P5K ang karagdagang premyo sa winning horseowner.

Inaasahan ng mga karista ang magandang laban din ng pitong kabayo sa Condition Race na pakakawalang pang-anim na karera.

Ang mga kalahok ay sina Kusing, Tontoneeto, Boodle Fight, Boy’sofmedows, Beastmode, Magnitude Eight at Lockdown. (Elech Dawa)