WebClick Tracer

SPORTS

Frayna, ‘Pinas sinilat Vietnam

Sa pangunguna ni board 1 player Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna, sorpresang pinisak ng Team ‘Pinas ang mahigpit na karibal sa Timog-Silangang Asya Vietnam 3-1 sa 10th at penultimate round ng 44th Chess Olympiad women’s division sa Four Points by Sheraton sa Chennai, India Lunes ng gabi.

Pinadapa ni Frayna (ELO 2224) si WGM Thi Kim Phung Vo (2333), binambo ni Woman International Master Marie Antoinette San Diego (2101) sa board 3 si WIM Ngoc Thuy Duong Bach (2192), at windang kay WIM Kylen Joy Mordido (2023) sa board 4 si Woman Fide Master Thien Ngan Nguyen (1912).

Tanging si WIM Jan Jodilyn Fronda (2181) ang olats laban kay WGM Thi Ma Hung Nguyen (223) sa second board sa paglikom ng suportado ng Philippine Sports Commission Pinay woodpushers ng 13 match points upang makisiksik sa pang-22 puwesto.

Nasa landas nila ang 14th seed Cuba sa final round Martes ng gabi. (Elech Dawa)