WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Janella kay Markus: We’re both happy as individuals

NI: ALLAN SANCON

Tahasang sinagot ni Janella Salvador ang issue ng hiwalayan nila ni Markus Paterson. Ito’y nang masolo siyang tsikahin sa presscon ng ‘Darna’.

“Masaya naman ako ngayon, at peace and very contented. Okay naman kami ni Markus. Let’s leave with that way muna. Basta okay kami, we’re both happy as individuals and our main priority is Jude.”

Tinanong din siya kung non-showbiz na ba ang pipiliin nya kung may darating na bagong lovelife?

“Hindi naman ako mapili, basta’t maayos at mamahalin ako,” pakli niya.

Samantala, nagdalawang-isip daw si Janella na tanggapin ang role na ‘Valentina ‘ sa seryeng ‘Darna.’ First time n’ya raw gumanap na kontrabida sa isang teleserye. Pero sa kadahilanang very iconic ang role ni Valentina ay tinanggap n’ya ang role na ito.

Magsisimula na ang “Mars Ravelo’s Darna” series sa August 15, 8 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at TV5.