WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Kaso ng rape sa Cagayan, lumobo

TUMAAS ang kaso ng panggagahasa o rape sa bayan ng Peñablanca, Cagayan, ayon sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO).

Sa tala ng CPPO, base na rin sa ulat ni Peñablanca Police Station officer-in-charge P/Maj. Harold Ocfemia, mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, lima dito ang naitalang kaso ng rape.

Tatlo rito ay naresolba na habang ang dalawa ay nasampahan ng kaso sa pamamagitan ng regular filing.

Sinabi ni Ocfemia, dalawa sa mga akusado ay nai-turnover na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) custodial habang ang isa ay nasa kostudya ng pulisya at inaantay ang desisyon ng korte.

Naniniwala naman ang opisyal na ang naitalang mataas na kaso ng panggagahasa sa lugar ay resulta ng kanilang mas pinaigting na information dissemination tungkol sa crime prescription ng rape case.

Sinabi ni Ocfemia na may mga kaso na ngayon lang nai-report sa kanila subalit matagal nang nangyari. (Allan Bergonia)